Dating Japanese prime minister Shinzo Abe, posibleng binaril

Isinugod sa ospital si dating Japan prime minister Shinzo Abe matapos posibleng binaril sa Nara sa western Japan.

Ayon sa ulat ng NHK, nagbibigay ng talumpati si Abe nang mangyari ang insidennte.

Dalawang magkasunod na putok ng baril ang narinig sa lugar.

Ayon pa sa ulat, agad na bumagsak at duguan si Abe.

Walang malay si Abe nang isugod sa ospital.

Isang lalaki ang naka-detain na ngayon at sumasailalim sa imbestigasyon.

 

 

Read more...