Lucky Me! iniimbestigahan ng FDA

Photo credit: Lucky Me!/Facebook

Iniimbestigahan na ng Food and Drug Administration ang kompanyang Lucky Me!

Ito ay matapos ipa-recall ang mga produkto ng Lucky Me! sa Ireland, Malta at France dahil sa mataas na ethylyne oxide.

Ayon kay FDA officer-in-charge Oscar Gutierrez, nakikipag-ugnayan na ang kanilang hanay sa naturang kompanya.

Kabilang sa mga ipina-recall ang Lucky Me! pancit canton na original flavour, hot chilli, kalamansi at chilimansi pati na ang Lucky Me! beef mami flavour.

Ang ethylene oxide ay ginagamit sa pesticide.

Una nang itinanggi ng kompanyang Lucky Me! na hindi sila gumagamit ng ethylene oxide sa kanilang noodle products.

 

Read more...