Hindi pabor si President-elect Rodrigo Duterte sa postponement ng Barangay at Sanggunian Kabataan elections sa October.
Ayon kay Duterte, ang pagpapaliban sa barangay elections ay mag-iiwan ng “holdover capacity” para sa mga opisyal.
Kapag ipinagpaliban aniya ang barangay at SK elections ay mangangailangan ito ng bagong legislation, na posisyon ng mga mambabatas at ni Commission on Elections chairman Andres Bautista.
Una nang sinabi ni Bautista na isa sa ikinonsidera ng ahensya sa pagpopostpone ng barangay at SK elections ay dahil sa katatapos lamang na 2016 national ang local elections.
Sinabi rin ng Comelec na magpapatawag sila ng isang National Strategic Planning Conference kasama ang mga election supervisor sa buong bansa.
Plano aniya sa nasabing conference na rebisahin ang Omnibus Election Code kung saan isasama na sa local polls ang barangay at SK elections.