Ayon sa NBOC, wala silang nakikitang problema kung dadaluhan o hindi ang mga inaasahang panalong kandidato.
Pahayag naman ni Sen. Koko Pimentel, ginawa na nila ang kanilang tungkulin ukol sa paghimay ng certificates of canvass at nasa nanalong kandidato na kung ito ay haharap sa proklamasyon bukas.
Matatandaang sinabi ni President-elect Rodrigo Duterte na hindi siya pupunta sa Kamara para sa kanyang nakatakdang proklamasyon.
Sa halip aniya ay sa June 30 na lang siya pupunta sa Metro Manila para sa pagsisimula ng kanyang tungkulin bilang bagong presidente ng Pilipinas.
Ngunit sa hiwalay na pahayag ng kaalyado ni Duterte na si Atty. Vitaliano Aguirre, sinabi nitong malaki pa rin ang tsansa na dumalo sa proklamasyon ang susunod na pangulo bilang bahagi ng proseso.