Senior citizens sa QC nakatanggap ng libreng gamot

Photo credit: Quezon City government

Umarangkada na ang Quezon City government sa pamamahagi sa libreng maintenance medicine para sa mga mahihirap na senior citizen sa lungsod.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, kabilanng sa mga matatanggap ng mga senior citizen ang gamot laban sa high blood, diabetes at mataas ang cholesterol.

Kabilang sa unang nakinabang sa naturang programa ang mga senior citizen sa Barangay San Jose, Damar, Pag-ibig sa Nayon at Old Balara sa lungsod.

Pinapayuhan ang mga matatanda na magtungo lamang sa pinakamalapit na health center para magparehistro.

Sumailalim ang mga benpisyaryo sa  assessment at check-up ng doktor bago nakakuha ng gamot tulad ng Losartan at Amlodipine para sa mga may hypertension; Metformin para sa mga may diabetes, at Simvastatin para sa mga may high cholesterol.

 

 

Read more...