Isa patay sa pagbagsak ng elevator sa Makati

 

Patay ang isang katao matapos bumagsak ang elevator sa isang gusali sa Burgundy Corporate Tower sa Gil Puyat, Barangay Pio del Pilar, Makati City bandang 6:00 ng umaga kanina, July 8.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, rumesponde ang kanilang Special Rescue Force sa naturang insidente.

Wala pang pahayag na inilalabas ang management ng gusali.

Hindi na muna tinukoy ng BFP ang pagkakakilanlan ng nasawi.

Read more...