Ayon kay Robredo, magcocourtesy visit siya kay Duterte para tiyakin na makakaasa ang president-elect sa kanyang suporta.
Obligasyon aniya ng mambabatas sa sambayanang Pilipino bilang incoming vice president na ibuhos ang kanyang buong suporta kay Duterte kahit pa magkaiba ang kanilang partido.
Irerespeto rin ni Robredo kung anoman ang magiging desisyon ni incoming president Duterte ukol sa Cabinet post na ibibigay sa kanya.
Kasabay nito, sinabi rin ni Robredo na uuwi pa rin sila ng kanyang tatlong anak sa kanilang bahay sa Naga City at patuloy pa rin silang sasakay ng bus kahit magsimula na siyang magtrabaho bilang bise presidente ng bansa.
Samantala, kinumpirma ni Robredo na dadalo siya sa kanyang proklamasyon bukas sa Kongreso.