Pinal na ang desisyon ni President-elect Rodrigo Duterte na hindi pagdalo sa sariling proklamasyon bukas bilang susunod na pangulo ng Pilipinas.
Pahayag ni Duterte, hindi siya dadalo sa ano mang proklamasyon.
Buong buhay ng alkalde bilang pulitiko ay wala pa siyang nadadaluhang proklamasyon.
Sa halip ay kakatawan para kay Duterte ang kanyang mga abogado sa proklamasyon bukas, May 30 at makikinig na lamang ang mga ito.
Bukas ay muling magcoconvene sa isang joint session ang Senado at Kamara upang iproklama ang nanalo sa presidential at vice presidential race ng nakaraang May 9 elections.
Kasabay nito ay ipoproklama na rin si Camarines Sur Rep. Leni Robredo bilang Vice President-elect.
Sinabi naman ng aide ni Duterte na si Bong Go na magbibigay na lamang ng mensahe sa ang alkalde pagkatapos ng proklamasyon.