7 katao, huli sa pagtutulak ng droga sa Maynila

Drugs
Inquirer file photo

Nadakip ng mga pulis ang pito katao na umano’y mga tulak ng droga sa isang raid na isinagawa sa Sampaloc district sa Maynila kagabi.

Kinilala ng mga operatiba ng Manila Police District ang isang Maritess Celocia na umano’y kilalang drug pusher sa lugar.

Kasama ni Celocia na nahuli ay sina Joemer De Leon, Niño Pineda, Danny Crispo, Arnold Pineda, Romulo Benito at Reynaldo Delos Santos.

Naaktuhan ng mga pulis ang anim sa mga suspek na gumagamit ng shabu sa loob ng bahay ni Celocia sa Ma. Cristina Street sa Sampaloc bandang 9:15 ng gabi.

Nakuha sa mga suspek ang walong sachet ng pinaghihinalaang shabu na may street value na 50,000 pesos at mga drug paraphernalia.

Ayon sa ulat, may nagbigay ng tip sa mga otoridad na ginagamit umano ang bahay ni Celocia bilang drug den.

Nahaharap ang lahat ng suspek sa kasong paglabas sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Read more...