Milyun-milyong mamamayan, naka-lockdown sa China dahil sa COVID-19 clusters

PDI PHOTO

Napuwersa ang gobyerno ng China na i-lockdown ang milyon-milyon sa kanilang mamamayan dahil sa mga bagong kaso ng COVID 19.

Napa-ulat na sa lungsod ng Xi’an may higit 300 bagong COVID 19 cases.

Gayundin, may naobserbahan na ‘COVID 19 clusters’ sa Shanghai at Beijing.

Napilitan din na magsara ang mga negosyo kayat pinangangambahan ang pagpapatupad muli ng mga isriktong protocols.

May mga lugar na rin na sinimulan muli ang pagrarasyon ng pagkain.

Kasabay nito ang pagsasagawa ng ‘mass testing’ para mapigilan pa ang pagkalat ng nakakamatay na sakit.

Read more...