Sa panukala, nais ni Poe na awtomatikong ititigil ang paniningil ng excise tax sa gasolina at krudo kapag humigit sa $80 kada bariles ang halaga ng Dubai crude oil ng higit tatlong buwan.
Layon ng panukala na maamyendahan ang Section 148 ng National Internal Revenue Code.
Kapag nakalusot, tinatayang P10 ang matatapyas sa kada litro ng gasolina at P6 naman sa diesel.
Naniniwala si Poe na malaking tulong sa pamamasada ng public utility vehicle (PUV) drivers ang P6 kada litro na pagbaba ng halaga ng krudo.
Binanggit niya na 20 porsiyento sa 900,000 jeepney drivers ang tumigil na sa pamamasada dahil sa pagkalugi bunga ng mataas na presyo ng krudo.
Unang inanunsiyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 6.1% June inflation at isa sa mga pangunahing dahilan ay ang mataas na halaga ng transportasyon.