Kalidad ng technical, vocationals skills ng mga Filipino patataasin ng TESDA

TESDA PIO PHOTO

Tiniyak ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na mas patataasin ang kalidad ng ibinabahaging technical at vocational skills sa mga Filipino, partikular na sa overseas Filipino workers (OFWs).

Hiniling ni OIC Director Gen. Rosanna Urdaneta ang mga kawani ng ahensiya na pagsumikapan ng husto na makapag-ambag sa mga hangarin ng bagong administrasyon.

“I encourage everyone to diligently work together as a team towards the realization of TESDA’s vision and mission. Let us not forget the discipline and work ethics that we learned from Secretary Lapeña,” ani Urdaneta.

Idinagdag pa niya; “Since unity is the main goal of President Ferdinand Marcos Jr., let us show our own brand of unity through hard work here in TESDA.”

Kasabay nito, ibinahagi naman ni Deputy Director General for Operations John Bertiz III na kabilang sa nangungunang prayoridad nila ang sektor ng agrikultura sa kanilang mga programa, proyekto at serbisyo.

Aniya aktibo ang TESDA sa pagsasanay sa mga magsasakang Filipino sa ilalim ng Rice Extension Services Program.

Read more...