Sumentro sa usapin sa agrikultura, imprastraktura at enerhiya ang pagpupulong nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Chinese Foreign Minister Wang Yi, Miyerkules ng hapon (Hulyo 6).
Bukod dito, ibinahagi din ni Pangulong Marcos Jr. na natalakay din nila ni Wang ang pagpapalakas ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa mga susunod na taon.
Pinasalamatan din nito ang bisitang banyagang opisyal sa pagbati sa kanya ni Chinese President Xi Jinping sa pagkakapanalo sa katatapos na eleksyon.
Una nang sinabi ng Pangulo na ayaw niyang limitahan sa isyu ng West Philippine Sea ang pakikipag-usap sa mga matataas na opisyal ng China sa kagustuhan na magkaroon ng maayos na relasyon ang dalawang bansa.
MOST READ
LATEST STORIES