Ilocos Norte wind power farm engineer ikinukunsidera sa DOE top post

Si Engineer Cerael Donggay ang isa sa mga nagsulong ng Bangui Bay wind power farm sa Ilocos Norte at napabilang siya sa mga pinagpipilian na pamunuan ang Department of Energy (DOE).

Si Donggay, na ikinukunsiderang eksperto sa enerhiya, ay pinaniniwalaan na may malaking magagawa sa kinahaharap na krisis sa enerhiya sa bansa.

Kasama na dito ang patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong-petrolyo na nagresulta sa pagtaas ng presyo ng lahat ng mga bilihin.

Pinaniwalaan din na malawak ang kaalaman ni Donggay sa pagharap sa climate change na nakakaapekto na sa Pilipinas.

Nakuha nito ang 3rd place sa 1978 electrical engineering board exam at kabilang siya sa mga nagtatag ng Northwind Power Dev’t Corp.

Read more...