Labor Code rerebisahin ni Sen. Jinggoy Estrada

SENATE PRIB PHOTO

Binabalak ni Senator Jinggoy Estrada na rebisahin ang Labor Code of the Philippines sa pagtitiyak na angkop ang natatanggap na mga benepisyo at proteksyon  sa mga manggagawa.

Ayon kay Estrada, 1974 pa nang simulang ipatupad ang mga nilalaman ng Labor Code at aniya maaring maraming probisyon na ang hindi ayon sa panahon.

“Kailangan tiyakin natin na ang pangunahing batas para sa ating manggagawa ay napapanahon at akma sa kasalukuyang sitwasyon na kinahaharap ng ating mga manggagawa,” sabi pa nito.

Nagpahiwatig din si Estrada na maaring maghain siya para sa Legislated Wage Increase bunsod na rin ng patuloy na pagtaas ng halaga ng mga pangunahing bilihin.

Sinabi pa ng mamumuno sa Senate Committee on Labor na titiyakin niya na tunay na iniintindi ng Regional Wage Board ang kapakanan ng mga manggagawa.

Ngunit, dagdag ni Estrada, kailangan balansehin ang interes ng mga manggagawa gayundin ng mga kapitalista.

Read more...