Nagkasundo ang mga senador na bumuo ng posisyon para sa Senior Deputy Majority Leader, ayon kay Senate President Pro Tempore Juan Miguel Zubiri.
Ayon kay Zubiri dalawa ang itatalaga sa naturang posisyon at isa na si Sen. JV Ejercito.
“What we agreed upon is the creation of deputy majority floor leaders. So their will be a majority leader, dalawang senior deputy majority leaders,” kuwento ni Zubiri.
Katuwiran nito kailangan ni incoming Majority Leader Joel Villanueva ng tulong.
Kasabay nito, ibinahagi din ng senador na hindi naman sinang-ayunan ng marami sa mga kapwa niya senador ang pagkakaraoon pa ng Deputy Senate President Pro Tempore.
Sa pagbubukas ng 19th Congress, si Sen. Loren Legarda ang inaasahang pipiliin na Senate President Pro Tempore.