Binuksan na ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang mga satellite offices ng Office of the Vice President (OVP) sa bansa.
Layon nitong makapag-abot ng tulong at social services sa mga residenteng nakatira sa remote areas.
Ayon kay Vice Presidential Spokesperson Atty. Reynold Munsayac, nabuksan na ang OVP satellite offices sa Dagupan, Cebu, Tacloban, Zamboanga, Davao, at maging sa Tandag sa Surigao del Sur.
“These satellite offices were opened to assist individuals to access help, and for swifter response in times of disasters,” pahayag ni Munsayac.
Inilunsad ang satellite offices noong Hulyo 1, unang araw ng termino ng bise presidente. Bukas ang mga tanggapan sa publiko tuwing office hours simula Lunes hanggang Biyernes.
Sa pamamagitan ng satellite offices, hindi na kailangaing bumiyahe sa Metro Manila upang lumipat sa bise presidente. Maari nang makapagbigay ng tulong ang mga nakatalagang manager sa publiko.
Narito ang mga itinalagang manager sa kada OVP satellite offices:
– Michael Angelo Sotto Saavedra sa Zamboanga
– Ma. Constancia Corominas – Lim sa Cebu
– Regina Generose Tecson sa Davao
– Alan Tanjuakio sa Tacloban
– Rolmar Basalan sa Surigao
– Marc Brian Lim sa Dagupan.
Inaasahang madadagdagan pa ang satellite offices oras na maabot ang full operation ng unang anim na tanggapan.