Tumaas pa ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR), ayon sa OCTA Research.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, base sa datos hanggang Hulyo 5, umakyat sa 9.8 porsyento ang positivity rate ng nakahahawang sakit sa Metro Manila mula sa 8.3 porsyento noong Hulyo 2.
Maliban sa NCR, tumaas din ang positivity rate sa ilang lalawigan sa bansa, kung saan pito ang higit 10 porsyento ang positivity rate.
Kabilang dito ang Batangas (10.7 porsyento), Cavite (13.2 porsyento), Laguna (17.3 porsyento), Rizal (16.5 porsyento), Iloilo (10.1 porsyento), Antique (20.6 porsyento), at Pampanga (15 porsyento).
Narito naman ang COVID-19 positivity rate sa iba pang lugar sa bansa:
– Bataan (6.2 porsyento)
– Benguet (6.7 porsyento)
– Bulacan (5.6 porsyento)
– Cebu (3.9 porsyento)
– Davao del Sur (5.8 porsyento)
– Isabela (8.3 porsyento)
– Pangasinan (8 porsyento)