Halos 1,200 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa bansa

Nakapagtala ng halos 1,200 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang araw.

Base sa tala ng Department of Health (DOH) hanggang Hulyo 6, 1,198 ang nadagdag na kaso ng nakahahawang sakit sa bansa.

Bunsod nito, nasa 10,323 pa ang aktibong kaso sa bansa.

Sa ngayon, umakyat na sa 3,711,268 ang kabuuang naitalang COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa nasabing bilang, 3,640,323 o 98.1 porsyento ang COVID-19 recoveries habang 60,622 o 1.6 porsyento ang COVID-19 deaths.

Patuloy naman ang paalala sa publiko na sundin pa rin ang ipinatutupad na health protocols.

Maliban dito, hinihikayat pa rin ang publiko na magpabakuna at tumanggap ng booster shot upang magkaroon ng karagdagang proteksyon laban sa nakahahawang sakit.

Read more...