Jason Francisco at Melai Cantiveros, kinumpirma na may pinagdadaan sila bilang mag-asawa

Melason
Inquirer file photo

Kinumpirma ng showbiz couple na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco na mayroon silang pinagdadaanan bilang mag-asawa.

Ngunit ayon sa Kapamilya stars, lumala lamang ito dahil sa naikwento nila sa ilang kaibigan at mga taga-hanga.

Sinabi rin ng Melason na ang hacker ang may kagagawan ng misteryosong post sa kanilang Instagram account kung saan ikinalat nito ang balitang naghiwalay na sila.

Hanggang ngayon aniya ay hindi pa nila narerecover ang kanilang IG account mula sa hacker.

Una nang itinanggi ni Jason sa isang panayam na hiwalay na sila ng kanyang asawa na si Melai.

Bagaman kulang na sila sa bonding bilang mag-asawa dahil sa sobrang pagta-trabaho, hindi naman aniya nila hahayaan na maghiwalay sila dahil lang sa maliit na tampuhan.

Nagkakilala sina Jason at Melai sa reality TV show na Pinoy Big Brother at ikinasal noong 2013.

Read more...