Pangulong Marcos Jr., idineklara ang July 9 bilang regular holiday para sa Eid’l Adha

Photo credit: Office of the Press Secretary

Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na regular holiday ang July 9 sa buong bansa.

Ito ay para sa paggunita ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.

Base sa Proclamation Number 2, bibigyan ng pagkakataon ang mga Muslim na gunitain ang Eid’l Adha basta’t tiyakin lamang na susunod sa health protocols na itinakda laban sa COVID-19.

Nilagdaan ang proklamasyon sa araw ng Miyerkules, July 6, 2022.

Ang Eid’l Adha ang isa sa dalawang greatest feasts ng Islam.

Read more...