PNP palalakasin ang kampaniya kontra ‘illegal wang-wang’

Inquirer file photo

Makalipas ang ilang taon, paiigtingin muli ng pambansang pulisya ang kampaniya laban sa illegal na paggamit ng ‘wang wang,’ ‘blinkers,’ at iba pang emergency devices sa mga sasakyan.

Sinabi Police Maj. Gen. Val de Leon, director for operations, may utos na si PNP OIC Vicente Danao Jr., sa Highway Patrol Group para hulihin ang mga ilegal na gumagamit ng wang-wang at blinkers.

Pagdidiin ni de Leon kailangan na maipatupad ang batas at ipinagbabawal ang paggamit ng siren, blinkers at iba pang emergency devices sa mga pribadong sasakyan.

Unang pinuna ni Sen. JV Ejercito ang pagdami muling ng mga gumagamit ng ‘wang-wang’ para makalusot sa trapiko at sinegundahan naman siya ni Sen. Win Gatchalian.

Magugunita na ipinagbawal ito ng yumaong Pangulong Noynoy Aquino at unti-unting sinamantala sa administrasyong-Duterte.

Read more...