Ibinahagi ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na ibabalik ni Pangulong Marcos Jr., ang ‘pre-positioning’ ng relief packs sa ibat-ibang bodega sa bansa.
Sinabi ito ni Tulfo matapos ang kanyang pag-inspeksyon sa bodega ng kagawaran sa Pasay City.
Ayon pa sa kalihim kailangan may naka-imbak ng relief supllies sa mga bodega bago pa ang pagtama ng bagyo o iba pang uri ng kalamidad.
Magugunita na ipinagbawal ni dating Pangulong Duterte ang pre-positioning ng relief packs sa katuwiran na nire-repack ito ng mga pulitiko bago ipinamamahagi.
Mula sa Pasay City, nagtungo sa Tondo, Maynila si Tulfo at binisita ang mga biktima ng sunog.
Inabutan niya ng tig-P10,000 tulong ang 30 pamilyang biktima bukod sa relief packs.
MOST READ
LATEST STORIES