Cavaliers wagi sa NBA eastern conference finals

Lebron James
NBA photo

Panalo ang Cleveland Cavaliers kontra Toronto Raptors sa Game 6 ng Eastern Conference Finals para makapasok sa NBA Championship sa iskor na 113-87.

Ang nasabing laro ay ginanap sa Air Canada Centre sa Toronto, Ontario, Canada.

Pinangunahan ng Cavaliers ang Raptors sa kanilang best-of-seven series sa iskor na 4-2.

Kakaharapin ng koponan sa finals ang mananalo sa Western Conference sa pagitan ng Oklahoma City Thunder at Golden State Warriors kung saan may tatlo ng panalo na ang Thunders sa kanilang serye.

Gaganapin ang Game 6 ng Western Conference sa darating na linggo sa Oklahoma City.

Si Lebron James ang nanguna sa Cavaliers na kumamada ng 33 points na dinagdagan ni Kyle Irving ng 30 points at ni Kevin Love na may 20 points at 12 rebounds.

Ito na ang ikaanim na sunod na pagsabak ni Jame sa NBA finals.

Sa kanyang NBA career si James ay mayroong anim na final games, apat sa Miami Heat at dalawa ngayon sa Cleveland Cavaliers.

Read more...