1 patay makaraang mahulog sa bangin ang isang trak dahil sa paruparo

This photo taken Oct. 25, 2014 shows a Monarch butterfly feeding on a Duranta flower in Houston. The federal government pledged $3.2 million on Monday to help save the monarch butterfly, the iconic orange-and-black butterfly that can migrate thousands of miles between the U.S. and Mexico each year. It has experienced a 90 percent decline in population recently. About $2 million will restore more than 200,000 acres of habitat from California to the Corn Belt, including more than 750 schoolyard habitats and pollinator gardens. The rest will be used to start a conservation fund that will provide grants to farmers and other landowners to conserve habitat. (AP Photo/Pat Sullivan)
Inquirer file photo

Isa ang patay samantalang lima naman ang sugatan makaraang mahulog sa isang bangin sa Benguet ang isang maliit na trak.

Sa paunang report ng Benguet Provincial Police Office, nahulog umano sa 200-meter na bangin ang trak na minamaneho ni Kimberly Tunget na kabilang sa mga sugatan.

Namatay naman sa pinangyarihan ng insidente si Pedro Gomisa, 47-anyos na kasama sa mga pasahero ng naaksidenteng sasakyan.

Sugatan din ang kanilang mga kasamahan na sina Roger Aspilan, Milanio Aspilan at Tony Pinmangin.

Sinabi ng mga sugatang biktima na nawalan ng kontrol sa manibela ang tsuper na si Tunget nang bugawin niya ang paruparo na pumasok sa kanilang sasakyan.

Galing sa bayan ng Tublay at papunta sa La Trinidad Benguet ang mga biktima nang sila’y maaksidente sa bayan ng Alno.

Read more...