Kasunod ito ng tatlong araw na ‘blackout’ sa lalawigan noong nakaraang linggo.
“Kung walang kuryente, walang negosyo, walang kita ang mga tao. At kung magpapatuloy pa ito sa mga susunod na buwan, maaring maapektuhan pati ang pagpasok sa paaralan ng mga mag-aaral,” ayon sa namumuno sa Senate Committee on Energy.
Aniya, marami na siyang natatanggap na mga reklamo ukol sa madalas na pagkawala ng suplay ng kuryente sa lalawigan.
Sinabi ni Gatchalian na maghahain siya ng resolusyon para sa pag-iimbestiga ng kinauukulang komite sa Senado sa naturang problema.
Nabatid na hindi na sinuplayan ng kuryente ng Occidental Mindoro Consolidated Power Corp. ang Occidental Mindoro Electric Cooperative Inc. dahil tapos na ang power supply agreement ng dalawang partido.
Nagbalik lang ang kuryente nang aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang provisional power supply agreement sa pagitan ng OMECO at OMCPC.