P1.4-M halaga ng marijuana nadiskubre dahil sa ‘Marites’

Matapos magamot sa mga tinamong sugat sa kanilang katawan, diretso sa kulungan ang dalawang sakay ng naaksidenteng pick-up truck sa Tuba, Benguet noong nakaraang araw ng Linggo.

Nabatid na pumalya ang preno ng sasakyan nina Jimmsie Salazar ar Justine Baisa.

Sa pagdating ng mga rumespondeng pulis, isang residente ang nagsabi na nakita niya na may itinapon ang dalawa na kahon sa ilog.

Bumaba ang ilang pulis sa ilog at nakita naman nila ang kahon, nang buksan ay nasa loob ang mga droga na ibinalot sa aluminum foil.

Tinatayang nagkakahalaga ng P1.4 milyon ang nakumpiskang marijuana.

Patungo sa Baguio City ang mga suspek nang maganap ang aksidente.

Read more...