Mga batang may edad 12 hanggang 17, maari nang turukan ng unang COVID-19 booster shot

Maari nang makatanggap ng unang booster shot ang mga batang may edad 12 hanggang 17 taong gulang bilang dagdag-proteksyon laban sa COVID-19.

Base sa paalala ng Department of Health (DOH), tanging Pfizer vaccines lamang ang ibibigay sa naturang age group bilang unang booster dose.

Nilinaw din kagawaran na pwedeng makatanggap ng Pfizer vaccine ang mga bata kahit naturukan ng ibang brand ng bakuna sa unang dalawang dose.

Siniguro naman ng DOH na libre, ligtas, at epektibo ang naturang bakuna sa mga kabataan.

Paalala pa nito, pinapayagang makapag-walk in sa mga itinalagang vaccination site at temporary vaccination post. Basta’t tiyaking dala ang lahat ng importanteng dokumento.

Read more...