Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa Davao Occidental, Martes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 219 kilometers Southeast ng Sarangani Island.

Naramdaman ang pagyanig bandang 2:44 ng hapon.

May lalim na 166 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala sa Sarangani at mga karatig-lugar.

Ayon pa sa Phivolcs, walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...