Luzon Grid, isinailalim sa Yellow Alert ng NGCP

Itinaas sa yellow alert status ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon Grid, araw ng Martes (Hulyo 5).

Ito ay bunsod ng manipis na reserba ng kuryente sa Luzon.

Sa abiso ng NGCP, umiral ang yellow alert simula 10:00 hanggang 11:00 ng umaga at 1:00 hanggang 4:00 ng hapon.

Nasa 11,177MW ang operating requirement habang mayroong available capacity ng kuryente sa Luzon na 11,847MW.

Ayon pa sa NGCP, nasa 236MW ang net operating margin.

Read more...