Seller ng party drugs sa Pasay concert huli ng NBI

nbi-building (1)
Inquirer file photo

Nahuli na ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sinasabing seller ng party drugs na posibleng nagbenta sa mga namatay na biktima sa Close-up Forever Summer Concert sa Pasay City.

Pansamantala munang hindi pinangalanan ng NBI ang nasabing suspect na nakatakdang iharap sa ibang pang dumalo sa party na umaming gumamit sila ng illegal drugs.

Noong May 22 ay magkakasunod na isinugod sa mga pagamutan ang limang mga biktima makaraan silang dumanas ng massive heart attack habang ginaganap ang concert sa open ground ng SM Mall of Asia sa Pasay City.

Sa otopsiya sa bangkay ng ilan sa mga biktima ay nakitang nasira din ang kanilang mga internal organs dahil sa lakas ng kanilang nainom na drugs.

Nauna nang sinabi ng NBI na posibleng pinaghalo-halo ang ecstasy, shabu at iba pang illegal drugs sa tablet o kapsula na ininom ng mga biktima.

Sa mga nakalipas na araw ay naging sunod sunod din ang anti-illegal drugs operations ng Philippine National Police, NBI at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Read more...