Inflation sa buwan ng Hunyo, pumalo sa 6.1 percent

Pumalo sa 6.1 percent ang inflation ng bansa sa buwan ng Hunyo.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, ito na ang ikaapat na buwan na patuloy na umaarangkada ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Mas mabilis ito sa 5.4 percent na naitala noong Mayo 2022.

Sinabi pa ng PSA na malaki ang iniangat ng inflation ngayong Hunyo kumpara sa 3.7 percent na naitala noong Hunyo 2021.

Matatandaang pumalo sa 6.9 percent ang inflation noong Oktubre 2018.

Read more...