225 na bagong abogado sa PAO, manunumpa

Manunumpa na bukas, July 6 ang 225 na bagong abogado, 19 staff na na-promote at 36 na abogado na naregular sa Public Attorney’s Office.

Pakiusap ni PAO chief Persida Acosta sa mga abogado, maging God-fearing na public servant.

Payo pa ni Acosta, ayusin ang trabaho at magsilbi sa bayan.

Ibinida pa ni Acosta na aabot sa P100,000 ang buwanang basic income nhg mga abogado.

Tapos na aniya ang mga panahon na suot ang butas na medyas o sasakay ng tricycle ang mga abogado dahil nakatatanggap na sila ngayon ng malaking sweldo.

 

 

Read more...