Umarangkada na ang unang Cabinet meeting ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang, Martes ng umaga (Hulyo 5).
Si Vice President Sara Duterte ang nanguna sa taimtim na panalangin.
Agad na hiningi ni Marcos sa kanyang economic team ang sitwasyon ng ekonomiya ng bansa.
Partikular na tinanong ni Marcos ang kalihim ng Department of Finance, Bangko Sentral ng Pilipinas at National Economic and Development Authority kaugnay sa general situation.
Ayon kay Marcos, nakasalalay sa economic team ang central policy ng kanyang administrasyon.
Sinabi pa ng Pangulo na batid ng lahat na may namumuong krisis sa suplay ng pagkain kung kaya dapat itong agad na matugunan.
MOST READ
LATEST STORIES