Sinimulan na ng pambansang pulisya ang paghahanda sa ilalatag na seguridad sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Ayon kay PNP director for operations, Maj. Gen. Val de Leon makakabuti na maaga ang paghahanda para mapag-planuhan ang lahat ng mga maaring mangyari sa loob at labas ng Batasan Pambansa.
“We want to prepare as early as possinle so that we can have the best security measures for the SONA. We want to come up with a good template, a good security plan that we will present to our PNP OIC Lt. Gen. Vicente Danao Jr. for review and approval,” ani de Leon.
Nangako ang opisyal na pangangsiwaan niya ang paghahanda kabilang na ang pagharap nila sa mga magsagawa ng kilos-protesta.
MOST READ
LATEST STORIES