Vintage plane bumagsak sa Hudson River sa New York

Hudson river plane crash
AP photo

Bumagsak sa Hudson River sa New York ang isang World War II-era plane.

Sa report na inilabas ng Federal Aviation Administration, galing umano ang nasabing vintage P-47 Thunderbolt plane sa Republic Airport sa Fermingham New York.

Tatlong mga vintage plane ang lumipad pero dalawa na lang ang nakabalik sa paliparan at ang P-47 Thunderbolt ay bumulusok sa nasabing ilog.

Ang insidente ay naganap sa likod lamang ng Interpid Sea, Air and Space Museum na matagpuan limang kilometro mula sa makasaysayang George Washington Bridge.

Sa ulat naman ni New York City Police Spokesman J. Peter Donald, isa ang kanilang nakitang survivor mula sa wreckage ng nag-crash na eroplano.

Pansamantala munang hindi isinapubliko ang pangalan ng nasabing survivor habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng aviation authorities.

Read more...