Magsasagawa ng unang Cabinet meeting ngayong umaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa Palasyo ng Malakanyang isasagawa ang Cabinet meeting.
Base sa Facebook post ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo, nais ni Pangulong Marcos na maagang maumpisahan ang Cabinet meeting para maraming magawa.
Sinabi pa ni Tulfo na maagang nagising ang Pangulo para sa Cabinet meeting.
Bago makapasok sa Palasyo, sasailalim muna sa antigen test ang mga Cabinet secretary para masigurong negatibo kontra COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES