Magpapatuloy ang kampaniya kontra droga sabi ni Interior Secretary Benhur Abalos ngunit ito ay base sa mga batas.
Sinabi ni Abalos na ipapagpatuloy ang mga magandang nasimulan ng anti-illegal drug campaign.
Diin lamang nita ito ay alinsunod sa sinumpaang-tungkulin at sa mga probisyon sa Saligang Batas.
“The drug war will be pursued relentlessy in accordance with the oath I will be taking and the basis of the Constitution. That’s it!” sabi pa nito.
Ibinahagi pa ng kalihim na may mga sasamahan siyang anti-drug operations para palakasin ang loob ng mga pulis at ipakita na ang mga gagawin ay base sa batas.
Ito aniya ay nasabi na niya sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES