Pinangalanan ni bagong Justice Secretary Boying Remulla ang tatlong ahensiya na nasa ilalim ng Department of Justice (DOJ) na namumutiktik ng mga sindikato.
Sa DOJ Monday flag-raising ceremony, ang una para kay Remulla, tinukoy niya ang Bureau of Corrections (BuCor), Land Registration Authority (LRA) at Bureau of Immigration (BI) na nangangailangan ng tulong.
Nilinaw naman ni Remulla na sa kaso ng LRA, hindi naman niya nilalahat ang mga kawani ng ahensiya na sangkot sa katiwalian.
Nabatid na Oktubre 2020 nang tukuyin ni dating Justice Sec. Menardo Guevarra ang LRA na kabilang sa mga ahensiya na prayoridad na maimbestigahan dahil sa korapsyon.
Talamak naman aniya ang pangongotong, human trafficking at pagbibigay proteksyon sa mga sindikato sa BI.
Nagpapatuloy naman, ayon kay Remulla, ang mga katiwalian sa BuCor.