Walang indikasyong si-sertipikahang urgent bill ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nai-veto na House Bill 7575 na magtatag sana ng Bulacan Airport City Special Economic Zone.
Ayon kay Press Secretary Trixie Angeles, nais lamang ng pangulo na ayusin ang mga probisyon ng panukalang batas.
Ayon kay Angeles, oras na maantala ang pag-apruba ng Pangulo sa panukalang batas, maaring magresulta ito ng pagkaantala sa implementasyon sa pangambang kwestyunin lamang ito.
Binigyang-diin pa ni Angeles na pinahahalagahan ng Pangulo na ayusin ang panukala para maging swabe ang pagsasabatas nito.
Una nang nadismaya ang mga senador, kabilang ang kapatid ng pangulo na si Senador Imee Marcos, nang i-veto ng Punong Ehekutibo ang House Bill 7575.