Pangulong Marcos, VP Wang Qishan nagpulong

PCOO photo

Sumentro sa congratulatory meeting ang pagpupulong nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Chinese Vice President Wang Qishan.

Ayon kay Press Secretary Trixie Angeles, sa ngayon, wala pang anunsyo ang Palasyo kung may iba pang topic na pinag-usapan ang dalawang lider.

Nagkaroon ng pagpupulong sina Marcos at Wang noong June 30 matapos ang inagurasyon ni Marcos bilang ika-17 pangulo ng bansa.

Una rito, sinabi ng China na inimbitahan nila si Marcos para sa isang state visit.

Pero ayon kay Angeles, wala pang iskedyul ang Pangulo sa pagbisita sa China.

Read more...