Alert level system sa COVID-19 sa bansa, tuloy pa rin

PCOO photo

Tuloy ang umiiral na COVID-19 Alert level system sa bansa.

Ayon kay Press Secretary Trixie Angeles, ‘status quo’ ang polisiya hangga’t walang naitatalagang kalihim ng Department of Health (DOH) si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi pa ni Angeles na kung anuman ang mga polisiya na pinaiiral ng Inter-Agency Task Force ay manatili muna.

Sa ngayon, nasa Alert Level 1 ang Metro Manila hanggang sa July 15.

Ayon kay Angeles, hihintayin ni Pangulong Marcos kung ano ang magiging rekomendasyon ng susunod na kalihim ng DOH.

Read more...