Marcos sa bagong PSG Commander: Tiyakin ang seguridad ng Office of the President

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Umaasa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pananatilihin ni Presidential Security Group (PSG) Commander Colonel Ramon Zagala ang ‘excellent provision’ ng seguridad sa Office of the President at sa First Family.

Sa Change of Command ng PSG sa Malakanyang, sinabi ni Marcos na hindi lang ang kanyang pamilya ang dapat na tiyakin na mabibigay ng maayos na seguridad, kundi maging ang bumibisitang heads of state at diplomats.

“The mission of the Presidential Security Group goes beyond the stated mission of protecting the First Family and foreign
dignitaries who come to visit with us. What you are guarding is not only the personages of the First Family but you are guarding and keeping safe an institution, the institution of the presidency,” pahayag ni Marcos.

Sinabi pa ni Marcos na kapag pumalpak ang PSG, tiyak na papalpak ang institusyon.

“Because should you fail in your mission, that institution will collapse and the effects on our country will be dire. And that is why we only pick the best men and women that we have within our military to join the Presidential Security Group,” pahayag ni Marcos.

Pinasalamatan ni Marcos ang PSG dahil sa patuloy na pagtupad sa tungkulin nito.

Pinalitan ni Zagala si outgoing Commander Brig General. Randolph Cabangbaang.

Binigyan pa ng uniporme ng PSG ang pangulo bilang isang memento.

Read more...