Bahagyang humina ang epekto ng Southwest Monsoon o Habagat sa bansa.
Ayon kay PAGASA Senior Weather Specialist Chris Perez, umiiral naman ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Bunsod nito, asahan aniyang makararas ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat sa Bicol region, Marinduque at Romblon, buong Visayas, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, at Caraga.
Sa natitira namang parte ng bansa, makararanas ng mainit at maalinsangang panahon, maliban sa mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorm, lalo na sa hapon at gabi.
Sa ngayon, walang tinututukang low pressure area (LPA) o bagyo sa loob ng teritoryo ng bansa.
MOST READ
LATEST STORIES