Pilipinas, nakapagtala ng higit 7,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na linggo

Nakapagtala ng 7,398 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.

Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang Hulyo 4, 2022, base ito sa naitalang datos simula Hunyo 27 hanggang Hulyo 3, 2022.

Mas mataas ito ng 60 porsyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong Hunyo 20 hanggang 26.

Nasa 1,057 naman ang daily average cases.

Samantala, may 19 na bagong severe and critical cases habang 74 naman ang pumanaw sa nakalipas na linggo.

Lumabas din sa datos na nasa 19.9 porsyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 4,342 sa 21,791 non-ICU beds ang gamit.

15.3 porsyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 381 sa 2,487 ICU beds ang gamit.

Nasa 497 naman ang severe and critical admissions, o 8.4 porsyento ng kabuuang COVID-19 admissions.

Read more...