“Hindi tayo ang pagsisilbihan, tayo ang magsisilbi sa kanilang lahat.”
Ito ang mensahe ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos, Jr. sa kaniyang unang araw bilang pinuno ng kagawaran.
Nangako si Abalos na ipagpapatuloy ang magagandang programa at polisiya ng kagawaran kabilang ang anti-illegal drug campaign at iba pa.
“It is important right now to continue the things that you [DILG] have done. Napakagaling. Sabi nga sa akin, ‘How about the war on drugs?’ It will be sustained in accordance to the oath I made as provided for in the constitution. Talagang diri-diretso po ito,” pahayag ni Abalos.
Pinuri naman nito ang naging kontribusyon ni dating DILG Secretary Eduardo Año upang mapagbuti ang kagawaran sa mga nakalipas na taon.
“The former DILG Secretary did well in the anti-illegal drugs campaign. Itutuloy lang natin ‘yun but we will put greater focus in building up strong cases against illegal drug suspects to ensure that no cases will be dismissed and they will be spending the rest of their lives behind bars,” ani Abalos.
Dagdag nito, “We will involve other concerned government agencies, and most importantly, the communities, to make sure that we have a comprehensive campaign against illegal drugs.”
Binati rin nito si Philippine National Police (PNP) Acting Chief Police Lt. Gen. Vicente Danao, Jr. para sa implementasyon ng mga epektibong mekanismo laban sa ilegal na droga.
“Aside from the law enforcement aspect, we should get to the root causes of the anti-illegal drugs problem and address all of these things in collaboration with other agencies of the government and stakeholders — unemployment, education, family, and a host of other issues,” saad ng kalihim.
Aniya pa, “The war on drugs is just like a tree. Maski patubuin mo nang patubuin, putulin mo nang putulin ‘yung sanga nito, may tutubong bagong sanga. Ano ‘yung sanga? ‘Yung sanga ay huli tayo nang huli pero may pumapalit nang pumapalit,” he added.
Nangako rin ang DILG Chief na bibigyang-prayoridad ang fire stations na may mga kulang na kagamitan, sa ilalim ng Bureau of Fire Protection, at pagpapabuti ng jail management, sa pamamagitan ng Bureau of Jail Management and Penology.
Samantala, binigyang-diin ni Abalos ang kahalagahan ng participatory sa pamumuno sa ahensya.
“Let’s get everyone involved, the LGUs, the community, and other stakeholders. Basta kayo [DILG workforce], walang imposible. At yun ang sinasabi ng presidente na sama-sama tayong susugpuin ang illegal drugs.”
Kasunod ng mga plano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., hinimok ni Abalos ang mga tauhan ng DILG at mga kaakibat na ahensya na magkaroon ng pagkakaisa sa pagtatrabaho mula sa national, local, at grassroots level.
“Yung pangarap ng lahat ay magiging pangarap natin. Para maabot natin ito kinakailangan nang maayos na communication mula sa national, local, at grassroots level para magiging iisa ang ating mga layunin,” dagdag nito.
Aniya pa, “We have to work harmoniously. Kung may problema kayo, wag kayong mahiya. Huwag kayong matakot. I will support you.”