Pinangunahan ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Artemio Abu ang donning at oath-taking ceremonies ng humigit-kumulang 9,000 PCG non-officers sa National Headquarters, araw ng Lunes (Hulyo 4).
Maliban dito, na-promote rin ang 65 PCG officers na may ranggong “Lieutenant” at “Lieutenant Junior Grade”.
Katumbas ng 39 porsyento ng mahigit 23,000 populasyon ng ahensya ang mga bagong promote na opisyal.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Abu na ang pag-promote sa libu-libong tauhan ng PCG ay isang testimonya ng kaniyang pangako upang maging “consultative”, “participatory”, at “transparent” ang ahensya sa ilalim ng kaniyang pamumuno.
“Upon consultation, we found out that there are available slots for promotion. There is sufficient funding, the fund utilization for this purpose is justified, and the promotion uplifts the morale of our people,” pahayag nito.
Dagdag ni Abu, “To our promotees, you are the fuel that keeps the PCG running at its best. We are deeply grateful for your service. You have handled every task with a sense of duty, urgency, and excellence.”
Ang naturang promosyon ay pagpapakita ng kanilang pagpupursige sa trabaho para sa ahensya.
“More importantly, it reflects the trust that the PCG bestows upon you to take on bigger responsibilities,” aniya pa.
Hinikayat ng Coast Guard Commandant ang promotees na panatilihin ang kanilang commitment para sa layunin at tungkulin ng PCG sa bansa.
“Never lose sight of our organization’s purpose: to save lives, ensure safe maritime transport, advocate cleaner seas, and secure the Philippine maritime jurisdiction. I wish you all the best in your future endeavors as Coast Guardians the Filipino people can rely on,” saad nito.
Kabilang sa 9,075 na bagong promote na PCG non-officers ang 19 Master Chief Petty Officers (MCPO); 74 Senior Chief Petty Officers (SCPO); 256 Chief Petty Officers (CPO); 431 personnel with the rank of Petty Officer First Class (PO1); 847 personnel with the rank of Petty Officer Second Class (PO2); 787 personnel na may ranggong Petty Officer Third Class (PO3); 3,215 personnel na may ranggong Seaman First Class (SN1); at 3,446 personnel na may ranggong Seaman Second Class (SN2).
Ito ang single biggest promotion sa kasaysayan ng PCG.