23 volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Bulusan

Nakapagtala ng 23 volcanic eartquakes sa Bulkang Bulusan.

Sa update ng Phivolcs sa araw ng Huwebes, Hulyo 4, nakapagtala rin ng 556 tonelada ng sulfur dioxide kada araw noong Hulyo 4.

May lumabas ding plume sa Bulkang Bulusan na may taas na 300 metro. Napadpad ito sa direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran.

Ayon sa Phivolcs, may pamamaga pa rin sa naturang bulkan.

Nasa Alert Level 1 pa rin ang Bulkang Bulusan.

Bilang pag-iingat, ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong radius ng Permanent Danger Zone (PDZ) at pagpasok nang walang pag-iingat sa 2-kilometer Extended Danger Zone (EDZ) sa gawing Timog-Silangan.

Bawal din ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa naturang bulkan.

Hindi pa rin inaalis ng Phivolcs ang babala ukol sa posibleng pagkakaroon ng biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions.

Read more...