Pakiramdam ni Pangulong Marcos sa unang flag raising ceremony sa Palasyo, nasa “friendly territory”

Screengrab from PCOO’s FB live stream

Nasa friendly territory.

Ito ang pakiramdam ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa unang flag raising ceremony sa Palasyo ng Malakanyang ngayong umaga July 4.

“Thank you very much for a very, very kind reception. Parang ang pakiramdam ko I really I’m in friendly territory. Maraming salamat. Magandang umaga sa inyo,” pahayag ni Marcos.

Kasabay nito, sinabi ni Marcos na hindi ituturing na mga empleyado ang mga kawani ng Palasyo bagkus ay mga ka-partner.

Ayon sa Pangulo, walang dapat na ipag-alala ang mga kawani ng Palasyo dahil tiyak na magkakaroon sila ng magandang ugnayan sa trabaho.

“Kaya’t sana naman ay ito ay simula ng isang napakagandang working relationship sa atin. For sure na hindi siguro — hindi naman siguro kayo magtataka maraming — may mga bago. Alam niyo naman kani-kanilang style ‘yan. So may magbabago pero huwag ninyong aalalahanin. We are always — we consider you. Hindi ko — hindi kayo ang empleyado namin. You are our partners. Hindi namin magagawa iyong gagawin namin kung hindi sa inyo,” pahayag ni Marcos.

Sinabi pa ng Pangulo na tama lamang ang kanyang mensahe noong kampanya na unity o pagkakaisa.

“And I’m very happy to see you all. Mukhang ready to go, very enthusiastic for this next administration. We need that, kailangan natin ‘yan. Keep it going. Keep up the good work that you have been doing for the years previous,” pahayag ng Pangulo.

“Iyong multiplier effect ng trabaho ninyo ay hindi ninyo — baka hindi ninyo alam. Pero ‘yung trabaho niyo when you sit at your desk and you do something and you make a decision or you push something or you expedite something that affects not only you, not only me, that affects millions of people. Kaya’t napakaimportante na itama natin ‘yang ating gagawing trabaho,” dagdag ng Pangulo.

Read more...