Duterte pakikiusapang dumalo sa proklamasyon sa Lunes

pimentel-duterte
Inquirer file photo

Kakausapin ngayong araw ni Sen. Koko Pimentel si incoming President Rodrigo Duterte para siya’y padaluhin sa kanyang sariling proklamasyon sa Lunes, May 30.

Sinabi ni Pimentel na magiging makasaysayan ang pagpunta ni Duterte sa proklamasyon ng National Board of Canvassers dahil ngayon lang magkakaroon ng pangulo ang bansa na mula sa Mindanao region.

Umaasa si Pimentel na siya ring Chairman ng PDP-Laban na magbabago pa ang isip ni Duterte na nauna nang nagsabi na hindi siya dadalo sa proklamasyon.

Kahapon ay tinapos na ng NBOC ang opisyal na cavassing ng mga boto kung saan si Duterte ay nakakuha ng kabuuang boto na 16,601,997.

Sa Lunes ay dadalo sa proklamasyon ang nanalong si incoming Vice-President Leni Robredo na mayroong boto na aabot sa 14,155,344.

Kagabi ay muling inulit ng aide ni Duterte na si Bong Go na walang balak dumalo sa proklamasyon ng nanalong pangulo at pangalawang pangulo ang Davao City Mayor.

Read more...